Binondo Agad rumesponde ang mga operatiba ng DRRMO mula sa Manila City hall at ang mga tauhan ng MPD sa insidente ng pagguho.

Tindera, bumibiling bata sugatan matapos mahagip ng gumuhong bahay

Jon-jon Reyes Oct 2, 2026
27 Views

Binondo1Binondo2Binondo3Binondo4

KABILANG ang 13-anyos na batang lalaki at 29-anyos na babae sa nasugatan matapos gumuho ang bahay na may dalawang-palapag sa kahabaan ng Sevilla Street, Barangay 272, Binondo, Maynila, Huwebes ng gabi.

Nakilala ang mga bikitma na sina alyas Kyle, 13, residente ng Delpan, Binondo, Manila at alyas Maribel, 29, residente ng Port Area, Baseco Compound.

Ayon sa report bandang, 8:35 ng gabi nang gumuho ang bahay sa 711 Sevilla St., San Nicolas, Manila na sakop ng Barangay 272, Zone 25

Ayon sa mga residente, nakarinig sila ng malakas na dagundong mula sa loob ng bahay bago gumuho ito.

Dahil dito tinamaan ng yero ang isang 29-anyos na tindera at menor de edad na bumibili lamang ng palamig.

Agad rumesponde ang Disaster Operation Team at nagsagawa ng paunang pagsusuri.

Nagkaroon ng mga pasa sa kanang braso at bukol sa kanang bahagi ng ulo ang bata, at dinala siya sa Mother and Child Hospital upang mabigyan ng medikal na atensyon.

Patuloy ng pagsasagawa ng assessment ang Manila DRRMO at Manila Police District Binondo Police Station.11 . Bilang safety measure, pansamantalang isinara ang kahabaan ng Sevilla Street sa mga motorista.