Tindero

Tindero ng isda derecho selda sa panunutok ng boga

18 Views

ARESTADO ang tindero ng isda ng mga pulis dahil sa panunutok ng baril sa dalawang biktima sa Villa De Lipa II, Subdivision, Brgy. Sabang, Lipa City Batangas.

Ang mga biktima ay sina alyas Mark, 32, at Arnold, 43, kapwa vendor ng isda. Kinilala ang suspek na si alyas Oscar, 61.

Base sa imbestigasyon, pinahinto ng suspek ang dalawang biktima na sakay ng tricycle at sumigaw ng: “Umalis na kayo dito, mga p—ng ina n’yo! Doon kayo sa inyo magtinda.”

Patuloy na nagbitiw ng mga malaswang salita at nagbabanta pa bago umalis sa lugar ng insidente.

Sa pagbalik, binunot ng suspek ang kanyang baril mula sa kanyang sling bag at itinutok ito sa mga biktima.

Napigilan ang suspek at nakuha ang baril sa kanya at humingi ng tulong sa mga otoridad ang mga biktima.

Nakumpiska mula sa suspek ang isang sling bag, isang inside holster sa loob, isang cal .45, isang magazine para sa cal .45 na may 10 bala.