Mas maraming ani sa Bataan inaasahan
Oct 22, 2024
Suspek na tulak laglag sa Antipolo drug bust
Oct 22, 2024
Calendar
Provincial
Tindero ng isda sa Albay nanalo ng P65M sa lotto
Peoples Taliba Editor
Mar 12, 2022
484
Views
ISANG tindero ng isda sa Albay ang nanalo ng P65.991 milyong jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 sa bola noong Enero 15.
Ang lalaki na mayroong anim na anak ang nag-iisang nakakuha ng winning number combination na 39-29-09-21-19-20. Ang mga numero ay kombinasyon umano ng mga kaarawan ng kanyang mga mahal sa buhay.
May 28 taon na umanong sumusubok ng kanyang swerte ang lalaki sa lotto.
“Bibili na kami ng aming sariling bahay at lupa,” sabi ng lalaki ng tanungin kung ano ang plano nitong gawin sa napanalunan.
Naniniwala ang lalaki na ang kanyang natanggap ay isang blessing at ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang naging tulay upang maabot ang kanyang mga pangarap.
Mas maraming ani sa Bataan inaasahan
Oct 22, 2024
Suspek na tulak laglag sa Antipolo drug bust
Oct 22, 2024
TAGA-LAGUNA MAY TUPAD AYUDA
Oct 22, 2024
Hinaing inihain ng mga taga-Quezon
Oct 22, 2024
Rep. Frasco prayoridad seguridad sa Danao City
Oct 22, 2024