Yedda

Tingog Center sa Iloilo bukas na para magserbisyo

Mar Rodriguez Apr 28, 2024
131 Views

Yedda1Yedda2Yedda3BILANG bahagi ng adbokasiya na ilapit sa mamamayan ang serbisyo ng gobyerno, opisyal nang binuksan ang Tingog Center sa Sara, Iloilo noong April 27.

Pinangunahan ni House Committee on Accounts Chairperson Yedda Marie Romualdez at Deputy Majority Leader Representative Jude Avorque Acidre, kapwa kinatawan ng Tingog Partylist ang pagbubukas ng center.

Ang Tingog Center ay matatagpuan sa Barangay Pasig sa Sara, Iloilo na kasama sa distrito ni Iloilo 5th District Representative Boboy Tupas,

Ang Tingog Center ay magsisilbing one-stop-shop para sa mga residente na nais sumali sa programa at makakuha ng serbisyo ng pamahalaan ang mga mahihirap na pamilya.

Sa unang araw ng pagbubukas, higit sa 1,267 benepisyaryo mula sa sektor ng transportasyon ang nagtipon sa Northern Iloilo State University (NISU)-Sara Campus, at 1,080 na magsasaka at mangingisda mula sa Carles, Iloilo ang nakatanggap ng ayuda mula sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) Program ng the Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ito ay sa pakikipagtulungan na rin ng tanggapan ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez at Tingog Partylist.

Ang inisyatiba ay naglalayong maiparating sa mga residente sa lugar ang tulong mula sa gobyerno lalo na sa mga taga-Sara at Carle, Iloilo na isinailalim sa nasa state of calamity sanhi ng pinasalang dala ng El Nino phenomenon.

Nangako naman ang Tingog Partylist na lalong pag-iibayuhin ang pagdadala ng tulong sa mga mahihirap na pamilya kahit na ang mga nakatira sa malalayong komunidad.