DSWD

Tingog, DSWD namahagi ng ayuda sa Marikina

196 Views

NAGTULUNGAN ang Tingog party-list at Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamimigay ng tulong pinansyal at food assistance sa mga residente ng Barangay Malanday, Marikina City.

Ginanap ang pamimigay ng ayuda sa St. Teresita Village Covered Court. Layunin nito na suportahan ang mga mahihirap na residente upang maibsan ang kanilang paghihirap.

Kabilang sa mga natulungan ang walong pamilya na nasunugan noong Mayo 5.

Nagtulungan ang Tingog na pinamumunuan nina Reps. Yedda Marie K. Romualdez at Jude Acidre at DSWD sa pinamumunuan ni Sec. Rex Gatchalian sa paglalaan ng P3,000 tulong pinansyal sa may 300 pamilya.

Nagpasalamat si Barangay Captain Mak Alfonso at iba pang opisyal ng barangay sa Tingog at DSWD.

Pinasalamatan din nila si Bruce Fortuno ang hepe ng Youth Development at coordinator ng Tingog sa Brgy. Malanday.

“Nagpapasalamat po kami sa Tingog Partylist, kay Cong. Yedda Marie Romualdez, Cong. Jude Acidre, at kay House Speaker Martin Romualdez sa pagtulong sa aming barangay,” sabi ni Alfonso. “Mula noong panahon pa ng Ulysses, hanggang ngayon ay kasama sila ng Malanday. Iba talaga ang Alagang Tingog.”