Martin1

TINGOG isinulong pagtatayo ng Special Agricultural Growth Zones

134 Views

TINGOG isinulong pagtatayo ng Special Agricultural Growth Zonesng Tingog party-list ang pagtatayo ng mga Special Agricultural Growth Zones (SAGZ) sa bansa upang mapabilis ang pag-unlad ng sektor ng agrikultura.

Inihain nina TINGOG party-list Reps. Yedda Marie K. Romualdez, at Jude A. Acidre at House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang House Bill No. 7077 para sa pagtatayo, operasyon, administrasyon at koordinasyon ng SAGZ.

“Agriculture is always an issue of scale, economies of scale. We need to start looking at the sector holistically and as an economy,” sabi ni Acidre.

Ayon sa TINGOG ang panukalang batas ang maglalatag ng legal framework at mekanismo ng SAGZ na inaasahang magpapapasok ng mga investor sa sektor ng agrikultura.

Ang pag-unlad ng sektor ng agrikultura ay makalilikha umano ng dagdag na trabaho at magtataas sa kita ng mga magsasaka bukod pa sa pagdami ng suplay ng pagkain.