Calendar

Tingog, Lakas-CMD pangungunahan malawakang unity rally sa Eastern Visayas
Para sa PBBM Alyansa senatorial slate
PANGUNGUNAHAN ng Tingog Party-list, katuwang ang Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) na pinamumunuan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, ang isang malawakang regional unity rally sa Eastern Visayas kung saan magsasama-sama ang mga kandidato at opisyal mula sa iba’t ibang partido politikal, hapon ng Huwebes sa Tacloban City.
Ito ay para itulak ang panalo ng senatorial slate ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr.
Inaasahan sa pagtitipon ang anim na gobernador ng lalawigan, 13 kinatawan ng distrito, mahigit 10,000 lider-komunidad at boluntaryo, pitong alkalde ng lungsod at 136 na mayor ng bayan mula sa iba’t ibang panig ng politika—isang malinaw na patunay ng pinakamalakas na puwersang pampolitika at pagkakaisa ng rehiyon bilang suporta sa midterm slate ng administrasyon sa 2025.
“This is the unified voice of a region that has found strength and clarity in President Bongbong R. Marcos Jr.’s vision of a Bagong Pilipinas. When leadership takes root in the grassroots, governance flourishes at the national level,” ayon sa pahayag ng Tingog Party-list na kinakatawan sa Kamara nina Reps. Yedda K. Romualdez at Jude Acidre.
Ang engrandeng pagtitipon, na itinataguyod kasama ang Lakas-CMD, ay sisimulan sa isang motorcade sa Tacloban City at susundan ng isang programang para sa pagkakaisa sa loob ng Tacloban Astrodome, kung saan inaasahang dadalo ang lahat ng senatorial candidates ng Alyansa upang ihayag ang kanilang mga plataporma.
Sa bilang na tatlong milyong rehistradong botante, ang Eastern Visayas ay inaasahang magiging isa sa mga pinakamaimpluwensyang rehiyon na maaaring magdikta ng takbo ng 2025 midterm elections.
“This gathering is not just participation—it’s declaration. Eastern Visayas will not only vote; we will lead,” ayon sa Tingog.
“We believe in leadership that listens, in governance that includes. That’s what each of these 11 candidates represent, and that is why we will work day and night to send them to the Senate,” ayon pa sa partido.
Ang Alyansa senatorial slate ay kinabibilangan nina Benhur Abalos, Abby Binay, Pia Cayetano, Lito Lapid, Bong Revilla, Francis Tolentino, Panfilo Lacson, Manny Pacquiao, Tito Sotto, Erwin Tulfo at Camille Villar.
Kabilang sa inimbitahan ang 12 mambabatas mula sa Eastern Visayas na sina Reps. Gerardo Espina Jr. (Biliran, Lakas-CMD), Maria Fe Abunda (Eastern Samar, Lakas-CMD), Lolita Javier (Leyte, Nacionalista Party), Anna Veloso-Tuazon (Leyte, National Unity Party), Richard Gomez (Leyte, Partido Federal ng Pilipinas), Carl Cari (Leyte, Lakas-CMD), Paul Daza (Northern Samar), Harris Ongchuan (Northern Samar, NUP), Stephen James Tan (Samar, Nacionalista Party), Reynolds Michael Tan (Samar, Lakas-CMD), Luz Mercado (Southern Leyte, Lakas-CMD) at Christopherson Yap (Southern Leyte, Lakas-CMD).
Inimbitahan din sa pagtitipon ang anim na gobernador ng Eastern Visayas na sina Gerard Roger M. Espina (Biliran, Lakas-CMD), Ben Evardone (Eastern Samar, PFP), Jericho Petilla (Leyte, NPC), Edwin Ongchuan (Northern Samar, PFP), Sharee Ann Tan (Samar, Nacionalista Party) at Damian Mercado (Southern Leyte, Lakas-CMD).
“Ang paninindigan ng Eastern Visayas ay malinaw: susuportahan namin ang mga kandidatong may malasakit, may bisyon at may konkretong plano para sa bayan. Kapag nagkakaisa ang mga rehiyon, umuusad ang buong bansa. Ito ang ambag ng Eastern Visayas sa Bagong Pilipinas—isang pamahalaang nakaugat sa malasakit, pagkakaisa, at tunay na paglilingkod,” ayon kay Speaker Romualdez.
“Leadership must be rooted in love of country and service to others. On May 8, Region 8 declares: we stand for unity, not division; for service, not self-interest; for country—always,” dagdag pa ng pinuno ng Kamara.
Binigyang-diin ng Tingog na ang tunay na lakas ng Eastern Visayas ay hindi lamang nasusukat sa dami ng mga tao, kundi sa kanilang pagkakaisa at layunin.
“Here in Region 8, we speak with one voice—and that voice calls for competent, compassionate, and credible leadership,” ayon pa sa partido.
Ang rally ay magiging pagkakataon para ipagdiwang ang lakas ng mga tao sa grassroots, kung saan ang mga lider ng barangay mula sa anim na probinsiya ay ipapakita ang kanilang mahalagang kontribusyon sa pag-unlad ng bansa.
“This is a gathering of public servants—those who rise before dawn to serve, who know their communities by name and need. Their endorsement carries the weight of lived experience,” ayon pa sa Tingog.
“When regions rise in unity, the nation moves forward. This is Eastern Visayas’ contribution to democratic renewal—a Philippines anchored on hope, action, and collective resolve,” saad pa ng Tingog.
Itatampok din sa kaganapan ang mga pangunahing layunin sa batas at mga lokal na programa na tumututok sa plataporma ng Alyansa, kabilang ang trabaho, edukasyon, kapayapaan at pantay-pantay na pag-unlad.
“Tingog will always be the people’s voice. And through this rally, we will make that voice heard—loud, clear, and united,” pagtiyak ng Tingog.