Calendar

TINGOG namamayagpag sa Pulse Asia survey, nagpasalamat sa tiwala
NANGUNA ang Tingog Party-list, na kinakatawan nina Rep. Yedda K. Romualdez at Rep. Jude A. Acidre, sa pinakahuling survey ng Pulse Asia kaugnay ng mga party-list group na mayroong tiyansa na makakuha ng tatlong upuan sa Kamara de Representantes.
Ayon sa survey, na isinagawa mula Marso 23 hanggang 29, ang Tingog ay nakakuha ng 6.11 porsiyentong voter preference rating.
Nagpasalamat ang Tingog sa publiko para sa kanilang labis na pagtitiwala.
“This result is a vote of confidence in our mission to uplift the regions and give voice to the underserved,” sabi ng Tingog.
Muling pinagtibay ng Tingog ang kanilang paninindigan para sa inklusibong pag-unlad at pagpapalakas ng mga rehiyon.
“We will not waste your trust. We will fight for more jobs, support, and opportunities in the provinces,” diin nito.
Isinusulong ng Tingog ang mga inisyatibang nakabatay sa pangangailangan ng mga komunidad sa larangan ng kalusugan, edukasyon at kabuhayan, at itinutulak nito ang mga panukalang batas na naglalayong paunlarin ang mga liblib na lugar.
“The voice of the regions must be heard. We are here to make sure it echoes in Congress,” sabi pa ng Tingog.
Sa inaasahang pagpasok sa 20th Congress, nangako ang Tingog na ipagpapatuloy ang pagsuporta sa legislative agenda ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr., kasabay ng kanilang pagsusulong ng isang inklusibo at nagkakaisang Pilipinas.