AGAP pinasalamatan si Ivana Alawi sa suporta
Mar 31, 2025
Bayaw hinataw ng bat sa ulo, naghataw timbog
Mar 31, 2025
Calendar

Nation
Tingog Partylist nanawagan na itaas ng 20% case rate ng Philhealth
Mar Rodriguez
Oct 26, 2023
327
Views
NANAWAGAN si Tingog Partylist Rep. Jude A. Acidre sa Philippine Health Insurance Corporation o Philhealth na itaas ng 20 porsyento ang lahat ng case rate nito.
Ayon kay Acidre hindi na angkop sa panahon ang halaga ng mga case rate ng Philhealth kaya nararapat lamang na itaas na ito upang matulungan ang mga pasyente.
Sinabi ni Acidre na dahil maliit ang case rate na binabayaran ng Philhealth ay kinakailangan pang maghanap ng mga mahihirap na pasyente ng maipandaragdag sa kanilang bayarin.
Ang pagtataas umano ng case rate ay makatutulong upang mabawasan ang paghihirap ng mga pasyente at kanilang pamilya.
Binigyan-diin ni Acidre ang kahalagahan na maging accessible sa lahat ng Pilipino ang de kalidad na health care system.
AGAP pinasalamatan si Ivana Alawi sa suporta
Mar 31, 2025
DFA, DMW umagapay sa mga OFWs sa Myanmar
Mar 31, 2025