Pic

Tingog Partylist, Speaker’s Office sanib-pwersa sa pagtulong sa 322 pamilyang biktima ng sunog sa Parañaque

109 Views

NAGSANIB-PWERSA ang Tingog Partylist na pinamumunuan nina Representatives Yedda Romualdez at Jude Acidre at ang tanggapan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez upang makapaghatid ng tulong sa mga nasunugan sa Brgy. Sto. Niño, Parañaque City.

Ang inisyatibang ito ay pagpapakita umano ng pagtupad ng Tingog at ni Speaker Romualdez sa pangako nito na tutulungan ang mga Pilipinong nahihirapan.

“In these challenging times, it is crucial that we come together to support our brothers and sisters in Brgy. Sto Niño. Our collective action today signifies our solidarity and commitment to helping our community recover,” sabi Rep. Yedda Romualdez.

Iginiit naman Rep. Acidre ang kahalagahan ng pagtulong.

“These food packs represent a beacon of hope for those affected. It’s our duty to ensure that no one is left behind as we work towards recovery and rebuilding,” ani Rep. Acidre.

Naging mahalaga ang tulong ng tanggapan ni Speaker Romualdez upang agad na maihatid ang tulong.

“It’s through working together like this that we can extend our reach and impact more lives positively,” sabi ni Speaker Romualdez.

Nagpasalamat naman sa kanila ang mga nakatanggap ng tulong.

Nakatuwang din sa paghahatid ng tulong sina Parañaque 1st District Representative, Cong. Edwin Olivarez at Barangay Captain Kap. Johny Co.