Just In

Calendar

February 2025
M T W T F S S
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
2425262728  
Kulong Himas-rehas ang naarestong suspek matapos makitaan ng improvise na baril at nagnakaw pa ng cable wires sa Binondo, Manila. Kuha ni JonJon Reyes

Tirador ng cable wires nahuli na nakunan pa ng boga

Jon-jon Reyes Feb 3, 2025
11 Views

HULI sa akto ang 32-anyos na lalaki na ninenok umano ang steel cable nang makitang hawak-hawak pa niya sa Muelle dela Industria St. malapit sa kanto ng Numancia St., Binondo, Manila noong Lunes.

Kinilala ang lalaki na si alyas Cris, ayon sa police report.

Nahuli siya ng mga pulis na sina PMSg. Joel Castro at PSsg Angelo Paulino bandang alas-3:30 ng umaga araw habang rumoronda sa naturang lugar.

Nahuli siya habang may hawak na dalawang itim na kable at isang lagaring bakal, ayon sa report.

Batay sa salaysay ng mga arresting officer, napansin nila ang suspek na may hawak ng dalawang itim na cable wire at isang steel saw.

Nilapitan nila ang suspek para i-verify kung bakit niya hawak ang mga items pero biglang kumaripas ng takbo ang lalaki patungo sa Madrid St.

Pagdating sa kanto ng Muelle dela Industria St. at Madrid St., doon na nakorner ang lalaki at nakuha ang mga ninakaw na cable wires.

Sa body frisking, narekober mula sa suspek ang isang improvised firearm na kargado ng isang bala ng 9mm.