Tito

Tito maglalabas ng resibo vs chika na magsasara na EB

Vinia Vivar Apr 20, 2024
125 Views

Joey sa isyu ng pagkalugi ng ‘EB’: Bastusan na ang labanan!

NAGBIGAY na ng pahayag sina former Senator Tito Sotto at Joey de Leon sa balitang nalulugi ang Eat Bulaga at magsasara na.

Sa ‘Gimme 5: Laro ng mga Henyo’ segment ng EB nitong Wednesday ay sinabi ni Tito Sen na kasinungalingan ang mga kumakalat na tsika.

“Aba, may mga sinungaling na nagkakalat na nalulugi raw tayo, na magsasara na raw tayo!” sey ni Tito Sen.

Hirit naman ni Joey, “Naiinggit lang ‘yang mga ‘yan dahil hindi sila kasama sa top 5 longest-running TV show in the world!”

Ayon naman kay Tito, maglalabas sila ng resibo para patunayang nagsasabi sila ng totoo.

“Para mapatunayan na tayo ay hindi nagsisinungaling at sila ‘yung mga sinungaling, bukas, bibigyan natin ang media ng kopya ng ating file sa BIR (Bureau of Internal Revenue) ng income tax,” sey ni Tito Sen.

Sabi naman ni Joey, “ ‘eto muna ang hamon ko. Umabot lang kayo ng 15 years, baka luluhod ako sa harap n’yo, 15 lang, ha, hindi 50.”

Nagpaalala naman ang dating senador na huwag paniwalaan ang mga maling tsismis na lumalabas tungkol sa Eat Bulaga.

“Kaya sa mga Dabarkads at saka sa mga ilang hindi Dabarkads, ‘yung mga nagsasalita ng ganu’n, mga sinungaling ‘yon, huwag na kayong maniniwala do’n sa mga ‘yon,” diin ni tito Sen.

Sambit naman ni Allan K, “’Yan ang sinasabing ‘mema,’ me masabi lang.”

Sabi ulit ni Joey na halatang imbiyerna, “Bastusan na kasi ang labanan, eh. Bastusan na, siraan. Walang kwenta. Mag-enjoy lang tayo. Umabot muna kayo ng 45 years! Longest-running top 5 in the world! Mainggit kayo!”

Patuloy pa ni Master Henyo, “Wala, eh. Ganu’n talaga. Kasama naman kayo dapat do’n kasi Pilipinas ‘yung dala namin, eh. Bakit kayo ganyan? Ang sasama ng ugali n’yo.”

Si Vic Sotto ay patawa-tawa lang at hindi na nagbigay ng pahayag tungkol sa issue.

Just recently ay proud na ibinalita ni Joey sa Instagram na pasok ang Eat Bulaga sa listahan ng “Top 5 Longest-Running TV Show in the World.”