Tolentino

Tolentino: Higpitan pagpapatupad ng batas sa road safety

15 Views

NANAWAGAN si Senate Majority Leader Francis “TOL” Tolentino para sa mas mahigipit na pagpapatupad ng mga batas patungkol sa road safety at responsible driving bunsod ng magkasunod na aksidente sa SCTEX at sa NAIA Terminal 1 nitong nakaraang linggo.

Sa isang panayam sa radyo, binigyang diin ni Senator TOL ang kahalagahan ng road safety upang maiwasan ang mga sakuna sa daan. Ani Tolentino, noong panahon nya bilang Chairman ng MMDA, binigyang diin ang tatlong “E” ng road safety – engineering, enforcement at education.

Mungkahi din Tolentino na mas higpitan ng LTO ang renewal ng driver’s license. Ang bawat renewal ay dapat na may kaakibat na evaluation sa mga drivers upang masiguro na sila ay nasa tamang disposisyon upang magmaneho at maglakbay sa mga daan.

Nabanggit din ni TOL ang iba pang mga naging polisiya nya noon sa MMDA na patungkol sa papo-promote ng road safety kabilang ang pagkakaroon ng speed limit sa Commonwealth Avenue at mga lady bus drivers na mas mahinahon at mas maingat sa mga pasahero.

Isang malalim na road safety educational program ang nakikitang solusyon ni Tolentino sa dumaraming kaso ng reckless driving, road rage, at iba pang mga indikasyon ng pagsasawalang bahala ng mga drivers sa kaligatasan ng iba pang mga naglalakbay sa ating mga kalsada.

Mungkahi rin ni Tolentino ang pagbibigay ng traffic education credits para sa mga mag-a-undergo ng re-education sa traffic at road safety.