Gupta Gupta

Top Indian players dadayo para sa Asian juniors

Ed Andaya Oct 6, 2024
336 Views
Rohit
Rohith
Teja
Tejashwani

LABING-tatlong Indian players — pitong lalaki at anim na babae — ang inaasahang magpapakitang gilas sa darating na 2024 Asian Juniors and Girls Chess Championships simula October 11 sa Tagaytay City.

Ito ang kauna-unahang paglahok ng mga Indian players sa isang malaki at prestihiyosong chess tournament matapos ang kahanga-hangang double victory ng India sa nakalipas na 45th Chess Olympiad sa Budapest, Hungary.

Pangungunahan ang pinakabagong pakikibaka ng India nina second seed IM Krishna Rohith, na may taglay na ELO 2474 at third seed IM Aswath S., na may hawak naman na ELO 2473.

Ang iba pang mga Indian boys na lalahij ay sina CM Bharadia Yas (2415(, IM Manish Anto Cristiano (2364) FM Adireddy Arjun (2342), CM Velavaa Ragavesh (2060) at Akshat Sureka (2008).

Top seed si Grandmaster Aleksey Grebnev (ELO 2530) ng Russia, na lalaro sa ilalim ng neutral FIDE flag.

Ang Philippines’ top junior player na si IM Michael Concio, Jr., ay sasabak din na dala ang ELO 2368.

Sa girls division, ang pinakabagong WIM ng India na si Tejaswani G. ay No. 2 seed sa kanyang ELO 2135.

Fourth seed si WFM Shubhi Gupta, na may ELO 2013.

Ffth at sixth seed sina WFM Shubhi Gupta (2013) at Sneha Halder (1990).

Eighth seed naman si WFM Bristy Mukherjee (1965).

Kasama din nila si Khairmode Dhanashree (1876).

Top seed sa girls si WIM Anna Shukhman of Russia, na lalaro din sa neutral FIDE flag.

Ang Asian Juniors and Girls Chess Championships ay itinataguyod ng Tagaytay Chess Club, Inc. kasama angInternational Chess Federation (FIDE), Asian Chess Federation, National Chess Federation of the Philippines (NCFP) at City of Tagaytay.

Susuporta din ang Philippine Olympic Committee (POC) at Philippine Sports Commission (PSC).

Sa iba pang mga katanungan, makipag-ugnayan lamang kay Patrick Lee sa 0945-5575690.