Calendar

Total ban ng POGO iminungkahi ni Barbers
PARA ๐ธ๐ฎ๐ ๐ฆ๐๐ฟ๐ถ๐ด๐ฎ๐ผ ๐ฑ๐ฒ๐น ๐ก๐ผ๐ฟ๐๐ฒ ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐๐ถ๐๐. ๐๐ผ๐ป๐ด. ๐ฅ๐ผ๐ฏ๐ฒ๐ฟ๐ ๐๐ฐ๐ฒ โ๐๐น๐ฎ๐โ ๐ฆ. ๐๐ฎ๐ฟ๐ฏ๐ฒ๐ฟ๐, ๐ฑ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ด๐ธ๐ฎ๐ฟ๐ผ๐ผ๐ป ๐ป๐ด ๐๐ผ๐๐ฎ๐น โ๐ฏ๐ฎ๐ปโ ๐ผ ๐๐๐น๐๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ถ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐น ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ข๐๐ข ๐น๐ฒ๐ด๐ฎ๐น ๐บ๐ฎ๐ป ๐ผ ๐ถ๐น๐น๐ฒ๐ด๐ฎ๐น.
Sa ginanap na press conference sa Quezon City, binigyang diin ni Barbers na masyado ng napakahaba ng listahan ng mga kasong kinasasangkutan ng POGO kabilang na dito ang talamak at lantarang bentahan ng illegal na droga na pawang mga Chinese nationals ang nasasangkot o nasa likod nito.
Iginiit ni Barbers na napapanahon para tuldukan ang pamamayagpag ng operasyon ng POGO sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagpapatupad ng gobyerno ng total ban โ illegal man o lisensiyado ang operasyon nito.
โAko sa totoo lang, honestly. Mas magandang i-total ban natin both legal at illegal. Of cource yung illegal wala tayong control diyan kaya nga sila illegal. But yung legal, siguro its now hightime to stop allowing POGO operations in the counrty. Considering na itoโy illegal naman sa China, bakit dito sa Pilipinas ay pinapayagan natin? At hindi puwedeng gawing dahilan yung revenues o economic benefit that the country will get out of this POGO operations,โ wika ni Barbers.
Ipinaliwanag ni Barbers na hindi maaaring ikatuwiran ang di-umanoโy benepisyong maaaring makuha ng gobyerno mula sa operasyon ng POGO.
Pagdidiin ng kongresista, mas malaking perwisyo ang naidulot ng POGO operations kumpara sa di-umanoโy pakinabang mula dito. Dahil sa POGO tumaas aniya ang kaso ng mga kidnapping, pagpatay, illegal drug sale o bentahan ng illegal na droga, lumaganap ang extortion, bribery, corruption at iba pang mga kahalintulad nito.
โTandaan natin mas mahal, mas malaki yung social cost na nadadala nitong mga POGO industry na ito. Bakit? Tumaas ang kidnapping. Kini-kidnap nila kapwa Chinese nila, extortion โ hinihingian nila ng pera, bribery, corruption andiyan,โ dagdag pa ng mambabatas.
Dahil dito, sinabi ni Barbers na ang dating ipinangako ng POGO operations na magkakaroon ng mga trabaho para sa mga Pilipino at ang bilyong pisong revenues na makukuha ng gobyerno ay hindi nangyari. Kaya dapat lamang aniya na tuluyan ng ipagbawal o magkaroon ng total ban sa operasyon nito.