Calendar
Tourism Muslim-friendly ng DOT ikinagalak ng Committee on Torism
ššššš”š cšµš®š¶šæšŗš®š» š»š“ šš¼ššš² šš¼šŗšŗš¶ššš²š² š¼š» š§š¼ššæš¶ššŗ, nš®š“š½š®šµš®šš®š“ š»š“ š¹š®šÆš¶š š»š® šøš®š“š®š¹š®šøš®š» šš¶ š„š¼šŗšÆš¹š¼š» šš¼š»š² šš¶šš. š„š²š½. šš¹š²š®š»š±šæš¼ šš²ššš “ššš±š¼š” š. š š®š±šæš¼š»š® šŗš®šš®š½š¼š š¶š¹šš»šš®š± š»š“ šš²š½š®šæššŗš²š»š š¼š³ š§š¼ššæš¶ššŗ (šš¢š§) š®š»š“ š½šæš¼šš²šøšš¼ š»š¶šš¼ š»š® š»š®š“ššššš¹š¼š»š“ šš® š¶š»šš²šæš²š, šøš®š“š®š¹š¶š»š“š®š» (šš²š¹š³š®šæš²) š®š šøšš¹šššæš® š»š“ šŗš“š® šøš®š½š®šš¶š± š»š®šš¶š»š“ š ššš¹š¶šŗ š»š® šš¶š»š®š“ššæš¶š®š» š»š¶šš¼š»š“ “šš¼ššæš¶ššŗ š ššš¹š¶šŗ-š³šæš¶š²š»š±š¹š”.
Ayon kay Madrona, ang inilunsad na proyekto ng Tourism Department na itinuturing na isang “landmark initiative” ay isang kahanga-hanga at natatanging proyekto na nagsusulong sa kapakanan at interes ng mga Muslim sa pamamagitan ng Marhaba Boracay na isang Muslim-friendly cove.
Paliwanag ni Madrona na ito ang kauna-unahang pagkakataon na ang binibigyang importansiya ng turismo ng bansa ay ang kapakanan, interes at kagalingan ng mga Muslim sa halip na nakatuon lamang ang atensiyon ng naturang ahensiya sa malaking ganansiya na makukuha ng pamahalaan mula sa tourism sector.
Pinapurihan din ni Madrona sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. at Tourism Sec. Maria Christina Garcia Frasco dahil sa pagbibigay nila ng halaga at pagtataguyod sa kapakanan ng mga Muslim sa pamamagitan ng “sustainable at inclusive” tourism na naglalayong lalo pang palakasin ang mga pangunahing tourist destination sa Pilipinas katulad ng Boracay Island.
Pagdidiin pa ng kongresista na hindi maikakaila na ang Boracay Island parin ang nananatiling numero unong tourist destination ng Pilipinas dahil sa kaakit-akit at malinis nitong beach na nagtutulak naman sa napakarami o milyong-milyong dayuhan at lokal na turista na bisitahin ang nasabing lugar.
Kasabay nito, nagtungo naman sa tanggapan ni Madrona sa Kamara de Representantes si Department of Migrant Workers (DMW) MIMAROPA Officer-In-Charge (OIC) Regional Director Jonathan A. Gerodias para sa isang “courtesy call” kasunod ang naganap na pagpupulong.
Sabi ni Madrona na tinalakay sa kanilang meeting ang panukalang pagpapalakas ng mga programa ng DMW para epektibo nitong matugunan ang mga pangunahing pangangailan ng mga mamamayan partikular na ang tinatayang 23,000 na Overseas Filipino Workers (OFWs) na Romblomanon o mga residente ng Romblon.