Frasco

Tourism panel nagpahayag ng suporta kay Sec. Frasco

Mar Rodriguez Mar 16, 2023
208 Views

NAGPA-ABOT ang House Committee on Tourism ng isang “collective support at commendation” para sa Department of Tourism (DOT) sa ilalim ng pamununo ni Secretary Maria Christina Garcia Frasco sa pamamagitan ng House Resolution No. 810 na inihain nito sa Kongreso.

Inihain ni Romblon Lone Dist. Congressman Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona, Chairman ng Tourism Committee, ang nasabing resolution na nagpapahayag ng taos pusong suporta at pagbibigay pugay kay Secretary Frasco dahil sa mahusay at magandang performance nito sa Tourism Department.

Sinabi ni Madrona na sa kabila ng pananalanta ng COVID-19 Pandemic sa bansa. Malaki pa rin aniya ang kontribusyong nai-ambag ni Frasco para mai-angat ang Philippine Tourism. Matapos maitala ang 8.26 million local at internation tourust na dumagsa sa Pilipinas sa mga nakalipas na buwan.

Ayon kay Madrona, mula noong 2020 ay 1.5 million lamang ang nai-record ng Tourism Department na turistang bumisita sa bansa. Kung saan, aminado ang mambabatas na maraming negosyo, kalakalan at iba pang apseto ng pagne-negosyo ang lubhang naapektuhan kabilang na ang turismo.

Binigyang diin pa ng kongresista na dahil sa magandang pamamalakad ni Frasco sa DOT ay muli nitong naibangon ang Philippine Tourism partikular na noong nakaraang December 2022 bunsod ng napakaraming lokal at dayuhang turista ang bumisita sa iba’t-ibang lugar sa bansa.

Kasabay nito, sinabi pa ni Madrona na puspusan ang pagsisikap ng kaniyang Komite na maisalang sa plenaryo ng Kongreso ang mga panukalang batas na lalo pang magsusulong ng turismo sa Pilipinas sa pamamagitan pagde-deklara sa isang partikular na lalawigan bilang isang “tourist destination’.

Ayon sa kaniya, doble ang kanilang pagta-trabaho para matapos at maipasa ang mga nakasalang na panukalang batas na naglalayong maideklara bilang tourist destination ang isang lalawigan.