Town hall debate hindi na itutuloy ng Comelec

223 Views

HINDI na itutuloy ng Commission on Elections (Comelec) ang plano nitong town hall debate para sa mga kandidato sa pagkapangulo at bise presidente na gagawin sana sa Abril 30 at May 1.

Ayon sa Comelec mayroon ng problema sa schedule ang mga botante dahil malapit na ang halalan.

Sa halip na town hall debate, ang gagawin na lamang ng Comelec at Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas ay “Single Candidate/Team – Panel Interview format.”

Ang panayam ay isasapubliko umano mula Mayo 2 hanggang 6. Ang bawat kandidato ay bibigyan ng isang oras na panel interview. Maaari itong gawin ang panayam ng face-to-face o virtual.