Bersamin

Trabaho, klase sinuspindi

Chona Yu Oct 24, 2024
149 Views

SUSPENDIDO ang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno at klase sa lahat ng antas sa buong Luzon sa Oktubre 25.

Ito ay dahil sa patuloy na pananalasa ng bagyong Kristine.

Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin, sinuspendi ang pasok sa trabaho at sa eskwela base na rin sa rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council.

“​Agencies involved in the delivery of basic and health services, preparedness/response to disasters and calamities, and/or the performance of other vital services are hereby directed to continue their operations and render the necessary services,” pahayag ni Bersamin.

Ipinauubaya naman sa local government units ang pagpapatupad ng localized suspension.

“The localized cancellation or suspension of classes and/or work in government offices in other areas may be implemented by their respective Local Chief Executives, pursuant to relevant laws, rules and regulations,” saad ni Bersamin.

Maging ang pasok sa pribadong tanggapan ay ipinauubaya na rin sa kanila ang pagpapasya kung magsususpendi ng trabaho.