Trabaho sa Bayan ng PBBM admin ihahanda manggagawang Pinoy sa makabaong panahon

Jon-jon Reyes May 7, 2025
25 Views

SA paglabas ng Pilipinas sa Financial Action Task Force (FATF) Grey List, bababa ang bayad ng OFWs sa pagpapadala ng pera at dadali ang pag-access ng mga negosyo sa international financing para makapaghikayat ng dagdag na foreign investments.

Sa recognition ceremony para sa “Champions of the Philippines’ FATF grey list exit,” hinimok ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang gobyerno na palakasin pa ang pagpapatupad ng batas at patatagin ang sistemang pinansyal ng bansa upang maiwasan ang muling pagpasok ng bansa sa listahan.

Samantala Inilunsad ng administration ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Trabaho Para sa Bayan Plan para palakasin ang labor market,upang itaas ang kalidad ng trabaho, at ihanda ang manggagawang Pilipino sa makabagong panahon.

Dahil dito pinangunahan ng Department of Economy, Planning, and Development (DEPDev) ang paglulunsad ng Trabaho Para sa Bayan (TPB) Plan 2025-2034, ang unang 10-taong Labor Market Development Plan ng Pilipinas.

Ang landmark na inisyatiba na ito ay nagbabalangkas ng isang pangmatagalang estratehikong masterplan para sa paglikha ng trabaho, pagbabago sa labor market, at inclusive workforce development sa susunod na dekada, na naaayon sa Philippine Development Plan 2023-2028 at 2040.

“Tinitiyak namin sa aming mga stakeholder na ang DEPDev ay gaganap ng isang proactive at enabling role sa pagbuo ng mga patakaran at programa upang matiyak ang sustainable at inclusive na paglago ng ekonomiya, pagyamanin ang kalidad ng paglikha ng trabaho, at makagawa ng isang mapagkumpitensyang manggagawa,” sabi ni Secretary Arsenio Balisacan.