MPD3 Photo: Manila Police District FB

Traffic re-routing plan para sa prusisyon ng Jesus Nazareno inilabas ng MPD

Edd Reyes Apr 1, 2026
287 Views

MPDMPD1

MPD2
Photo: Manila Police District FB

NAGLABAS na ng traffic re-routing plan ang Manila Police District (MPD) para sa gaganaping prusisyon ng Jesus Nazareno sa Huwebes at Biyernes Santo.

Magmumula ang prusisyon sa Plaza Miranda-Villalobos, kaliwa sa Carlos Palanca (ilalim), kaliwa ng Quezon Boulevard, kanan ng Arlegui, kanan ng Franternal, kanan ng Vergara, kaliwa sa Duque De Alba, at kaliwa sa Farnecio,

Matapos nito ay kanan muli ng Arligui, kaliwa ng Legarda, kaliwa ng Concepcion Aguila, kanan ng Carcer, kanan ng Hidalgo bago kaliwa ng Quezon Boulevard, kanan ng Carlos Palanca (ilalim), kanan ng Villalobos hanggang Plaza Miranda pabalik sa Quiapo Church.

Ayon sa MPD, may kabuuang 3.8 kilometro ang tatahaking ruta ng prusisyon, kaya’t pinapayuhan ang mga motorista na gumamit ng alternatibong ruta o humanap ng ibang madaraanan upang hindi maabala.

Magsisimulang isara ang mga lansangang tatahakin ng prusisyon ng alas-7 ng gabi ng Huwebes, Abril 2 kaya’t naglabas ng abiso ang MPD para sa alternatibong ruta na magagamit ng mga motorista.

Ang mga sasakyang tatahak ng Quezon Blvd mula A. Mendoza ay dapat kumanan sa Fugoso St., kaliwa sa Tomas Mapua St. patungo sa destinasyon.

Ang mga sasakyang mula Quezon City na gagamit ng westbound lane ng España Blvd ay dapat kumanan sa P. Campa St., diretso sa Fugoso St. o kaliwa sa Nicanor Reyes St. (Morayta) bago kumanan o kumaliwa sa C.M. Recto Ave. patungo sa destinasyon.

Ang mga magmumula naman sa P. Burgos Ave. na gagamit ng Quezon Bridge ay dapat dumaan sa Jones Bridge o McArthur Bridge patungo sa destinasyon.habang ang mga sasakyang mula Ayala Bridge na gagamit ng C. Palanca St. ay dapat dumiretso sa P. Casal St./Legarda patungo sa destinasyon o kumanan sa San Marcelino St. patungo sa UN Ave.

Sa mga tatahak naman mula sa Sta. Mesa na gagamit ng westbound lane ng Legarda ay dapat kumanan sa C.M. Recto Ave. patungo sa destinasyon.