Calendar
Trafficking ng mga Pinay sa Cambodia kinondina ng OFW Party List
LABIS na ikinabahala ni OFW Party List Rep. Marissa “Del Mar” P. Magsino ang napabalitang “trafficking” ng mga Pilipinong babae bilang mga “surrogates” sa Cambodia.
Mariing kinondena ni Magsino ang nagaganap na trafficking ng tinatayang nasa 20 kababaihan Pinay bilang mga surrogates. Natuklasan pa ng kongresista na 13 mula sa nasabing mga kababaihan ang kasalukuyang nagdadalantao.
Ayon kay Magsino, maituturing na isang napakalubhang problema ang kasalukuyang kinakaharap ng Pinay sa Camboadia sapagkat kinakasangkapan sila upang magsilang ng sanggol na ibebenta sa pamamagitan ng “infant trafficking syndicate”.
Dahil dito, pinapurihan ni Magsinl ang naging mabilis na pagkilos ng Cambodian National Police sa pakikipag-koordinasyon nito sa Philippine government para masagip ang mga dalawampung Pilipinas. Kasabay ng pagpapasalamat din nito sa Department of Foreign Affairs (DFA) dahil sa tuloy-tuloy na tulong na ibinibigay nito.
“We also call on the Department of Information and Technology (DICT) for their technical assistance to law enforcement agencies against cybercrimes. As illegal recruitment and human trafficking are often done online,” wika ni Magsino.