Calamba Sa pakikipagtulungan sa COA, tinitiyak ng PRO-4A na ang mga resources na ipinagkatiwala sa organisasyon ng pulisya ay maayos na pinamamahalaan at ginagamit upang mas mapagsilbihan ang publiko.

Transparency, accountabilty pinag-usapan ng PRO-4A, COA

322 Views

CALAMBA CITY, Laguna–Nagkaroon ng conference ang Police Regional Office (PRO)-4A at Commission on Audit (COA) noong Biyernes para pag-usapan ang mga panuntunan, proseso at inaasahan sa pag-audit na nagpapalakas sa mga prinsipyo ng transparency, accountability at good governance.

Nagbigay ng mensahe sina P/Col. Melvin Napiloy at mga kinatawan ng COA sa pangunguna ni Supervising Auditor Helenito Lualhati Jr.

Ang aktibidad na ito ay naaayon sa 7-point agenda ng PNP chief partikular sa “Strengthening the Efficient Management of Human, Material and Financial Resources,” ayon kay P/BGen. Paul Kenneth Lucas, hepe ng PRO-4A.

Sa pakikipagtulungan sa COA, tinitiyak ng PRO-4A na ang mga resources na ipinagkatiwala sa organisasyon ng pulisya ay maayos na pinamamahalaan at ginagamit upang mas mapagsilbihan ang publiko.