Transport Screen grab from FB video

Transport strike walang epekto, ayon sa LTFRB

Chona Yu Sep 23, 2024
211 Views

MINALIIT ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang ikinasang transport strike ng grupong Manibela at Piston.

Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni LTFRB chairperson Teofilo Guadiz na wala namang naitalang stranded ng pasahero saa kabila ng ikinasang tigil pasada ng mga tsuper.

“Ikinagagalak ko pong sabihin sa inyo na sa ngayon po ay wala pong na-stranded na pasahero in all these spots na minu-monitor po namin,” pahayag ni Guadiz.

“Unang-una po, kakaunti lang po iyong mga sumama doon sa transport strike. Pangalawa, mayroon po kaming nakahandang Libreng Sakay. And then pangatlo po, nandoon po ang PNP to maintain peace and order… para sa mga operators na namimilit po na sumama iyong mga kasamahan nila sa strike. So as of this time ho, wala hong na-stranded ni isang pasahero,” dagdag ni Guadiz.

Sinabi pa ni Guadiz na may itinatayong pitong monitoring points ang Inter-Agency Tigil Pasada para bantayan kung saan may stranded na pasahero at agad na makapagpadala ng sasakyan para saLibreng Sakay.

“But regarding your concern po, rest assured po na we will maximize and use properly iyong ating Libreng Sakay. At tama po kayo, hindi pa po tapos iyong araw but we see the flow of the half of the day that it will continue po hanggang mamayang hapon at hanggang bukas na rin po,” pahayag ni Guadiz.

“They will only augment or papasok lang po sila kung may aktuwal or nakikita po kaming problema po doon. Kasi tandaan po natin, 83 percent po ng buong transportation sector ay sumama po sa programa, and that number po kung titingnan natin is enough po para matugunan iyong pangangailangan ng ating mga commuters,” dagdag ni Guadiz.

Tinutulan ng mga tsuper ang public utility vehicle modernization program.