Hangzhou

Triathletes laglag-balikat nang bumalik sa Pinas

237 Views

HANGZHOU – Laglag balikat na umuwi ang six-man national triathlon team mula sa pagmintis sa medalyang kampanya sa kasagsagan pa ring 19th Asian Games sa iba’t ibang playing venue ng Zhejiang Province rito.

Sa tiklop ng four-day (Sept. 20-Oct. 2) sport sa Chun’an Jieshou Sports Centre Triathlon Course, pampito ang quartet nina Matthew Justine Mendoza, Raven Faith Alcoseba, Fernando Jose

Casares at Marion Kim Mangrobang sa huling event na 12-team mixed relay.

May accumulated time ang Pinoy squad na 1:33:59 sa sinabakan ng bewat isang miyembro na 300-meter swim, 6.7-kilometer bike, 1.86km run. Gold-silver-bronze winners ang Japan (1:26:21), host Chinese (1:27:48) at Hong Kong (1:28:22).

Ika-10 si Casares sa men’s individual, pang-13 si Kim Andrew Remolino at sa distaff side ay pang-13 si Mangrobang at ika-16 si Alcoseba sa na suportado ng Philippine Sports Commission at Philippine Olympic Committee.

Ito ang panglimang sunod na pagkakataon na dehins pa rin makamedalya ang mga bata ni Triathlon Association of the Philippines sapul nang maging medal sport sa quadrennial continental sportsfest noong 2004 sa Doha.

Winalis ng Japanese triathletes ang ngayon edisyon, hinablot ang 3-0-1G-S-B medals.