Garcia Sinabi ni Police Major Dave Garcia na patuloy ang isinasagawang follow-up na imbestigasyon at mga operasyon ng pulisya para sa posibleng pagtukoy sa pagkakakilanlan at pag-aresto sa suspek. JONJON C. REYES

Tricycle driver napagkamalang magnanakaw, binaril sa mukha, dedo

Jon-jon Reyes Oct 1, 2026
60 Views

DEAD on the spot ang 20-anyos na driver ng tricycle matapos barilin sa mukha ng hindi pa nakikilalang suspek makaraang mapagkamalang magnanakaw sa loob ng compound ng Marru Trucking sa Tondo, Maynila.

Nakilala ang biktima na si alyas Alexander, 20 taong, walang asawa, drayber ng tricycle, huling nanirahan sa Pilar Street, Barangay 199, Tondo.

Mabilis nakatakas ang suspek.

Ayon sa report na nakarating kay Police Major Dave Garcia, bandang 4:45 ng madaling aarw nang mangyari ang pamamaril.

Batay sa paunang imbestigasyon, isang concerned citizen ang nag-ulat sa himpilan ng Jose Abad Santos Police Station tungkol sa insidente.

Agad nagtungo ang mga tauhan ng PS-7 sa lugar upang beripikahin ang impormasyon. Pagdating doon, natagpuan nila ang isang lalaking wala nang buhay at may tama ng bala sa mukha.

Pagdating sa lugar ng insidente, naabutan ng mga imbestigador si PCpl Jenario E. Racca, station investigator, na nagsasagawa ng paunang pagsisiyasat.

Tiniyak din ng mga tauhan ng pulisya mula sa Hermosa PCP, sa pamumuno ni PMSg Allan Palaming, ang seguridad sa pinangyarihan ng krimen.

Dumating din sa pinangyarihan ng insidente ang ama ng biktima na nagbigay ng mga personal na impormasyon tungkol sa biktima.

Ayon sa masusing pagsusuri, nagtamo ang biktima ng isang tama ng bala sa kaliwang bahagi ng mukha.

Batay sa karagdagang pagsisiyasat, nalaman na matapos ang insidente, naglakad ang suspek patungo ng Jose Abad Santos Street, dala ang baril na hinihinalang ginamit sa krimen.

Bandang alas-6:40 ng umaga nang dumating sa lugar ang mga tauhan ng MPDFU-SOCO, sa pamumuno ni PMAJ Michael P. Jabel, at nagsagawa ng pagsusuri sa pinangyarihan ng krimen.

Hindi pa natutukoy ang motibo sa pagpatay.