Manila job fair sinaksihan ni Yorme, VM Chi
May 1, 2026
Calendar
Metro
Trike driver itinumba sa harap ng asawa
Jojo Cesar Magsombol
Jun 22, 2025
427
Views
TIGOK ang tricycle driver na pinagbabaril ng hindi nakilala at nakatakas na suspek sa harap ng kanyang asawa sa Villaluz St, Brgy. Kalayaan, Angono, Rizal noong Sabado.
Ayon sa imbestigasyon, biglang sumulpot ang suspek na nakaitim na t-shirt, pantalon at helmet sakay ng itim na motorsiklo at pinagbabaril ang biktimang si Antonio Mercado Mariano, 49, ng ilang beses habang papaalis ng bahay kasama ang asawa.
Matapos ang pamamaril, tumakas ang salarin patungo sa hindi nalamang direksyon.
Isinugod ang biktima sa Rizal Provincial Hospital System-Angono Annex subalit idineklarang dead-on-arrival ng sumuring manggagamot.
Manila job fair sinaksihan ni Yorme, VM Chi
May 1, 2026
Kelot ‘papatay’ dahil sa cellphone
May 1, 2026
Nagpakilalang abogada inaresto
Apr 30, 2026

