Turla Sinisiyasat ni Police Capt. Dennis Turla ng Homicide section-MPD ang report kaugnay sa napatay na tricycle driver. Kuha ni JONJON C. REYES

Triker nakisali sa away ng tiyuhin, nasaksak, tigbak

Jon-jon Reyes Apr 23, 2025
48 Views

TricyclePATAY ang isang 57-anyos na tricycle driver nang makialam sa away ng kanilang tiyuhin sa Barangay 105,Tondo, Manila, Martes ng gabi.

Nakilala ang nasawi na si Marcelino,tricycle driver, habang patuloy ang isinasagawang obserbasyon sa nakakatandang kapatid ng biktima na si Arturo,59, obrero, kapwa residente ng Aguinaldo St,Tondo.

Samantala, sa follow-up operation na inilatag sa Oplan Galugad, naaresto ang pamangkin ng magkapatid na nakilalang si Romeo, 31,may ka-live in ng naturang lugar.

Ayon sa ulat ng Manila Police District-Homicide Section sa pangunguna ni Police Captain Dennis Turla,bandang 10 p.m. nang magkaroon ng away ang magkakamag anak sa nasabing lugar.

Hanggang sa makisalo ang pamangkin at pinagsasaksak ang mga biktima.

Mabilis na isinugod sa Tondo Medical Center ang dalawa subalit dakong 11:13 p.m. nang ideklarang patay ni Dr Raniliza Ballabo si Marcelino.

Naaresto ang suspek sa follow up operation ng mga tauhan ng MPD – Raxabago Police Station 1.