Tripartite agreement kasama ang US, Japan pag-aaralan- PBBM

233 Views

PAG-AARALAN ng Marcos administration ang pagpasok sa isang tripartite agreement ng Pilipinas kasama ang Estados Unidos at Japan.

Sinabi ito ni Pangulong Marcos sa panayam ng Kyodo News.

“It is something that we certainly are going to be studying upon my return to the Philippines. I think just part of the continuing process of strengthening our alliances because in this rather confusing, and I dare say dangerous situations, that we have, I’m not talking only about the South China Sea, I’m not only talking about the Indo-Pacific region but, of course, there is a conflict still ongoing in Ukraine and the rather disturbing effects that it has all around the world,” ani Pangulong Marcos.

Sinabi ng Pangulo na patuloy ang proseso para sa pagpapatibay ng ugnayan ng Pilipinas sa mga kaalyado nito.

“So that is, I think, a central element to…providing some sort of stability in the face of all these problems that we are seeing around us,” sabi pa ng Pangulo.

Nauna rito, nagkasundo sina Pangulong Marcos at Japanese Prime Minister Fumio Kishida na palakasin ang defense at security relations ng dalawang bansa.