PBA

Trollano napili ng PBAPC

Robert Andaya May 30, 2024
114 Views

WALA ng iba kundi si Don Trollano ng San Miguel Beer.

Napili si Trollano, isa sa mga top players ng San Miguel sa kanilang 4-0 semifinal sweep laban sa Rain or Shine, bilang PBA Press Corps-Pilipinas Live Player of the Week para sa period na May 22-26.

Ang 32-year-old player, na naglaro sa Adamson University sa UAAP, ay isa sa mga naging instrumento ng Beermen laban sa E-Painters, na kung saan dalawang ulit siyang may 20-point effort sa Games 3 at 4.

“Rain or Shine did a good job defending June Mar. For me, iniisip ko lang na I need to step up and andun lang siguro ako sa perfect place and perfect time,” pahayag ni Trollano, na may 20 points, 11 rebounds at three assists sa 117-107 panalo ng Beermen laban sa E-Painters sa Game 3 sa Dasmariñas, Cavite nung May 22 at 20 points at eight rebounds sa 107-100 panalo sa Game 4 sa Mall of Asia Arena nung May 24.

“Just be aggressive. Iyun lang ang iniisip ko kapag nasa loob ako,” paliwanag pa ng 6-3 small-forward/shooting guard ni San Miguel coach Jorge Gallent.

Tinalo ni Trollano para sa naturang parangal ang kanyang mga sikat na teammates na sina June Mar Fajardo at CJ Perez, at ang Barangay Ginebra workhorse Christian Standhardinger.
Ang PBA Press Corps ay binubuo ng mga sportswriters at columnists, na regular na nagco-cover ng PBA games.