LPA

Tropical Depression Querubin naging low pressure area na lang

11 Views

HUMINA na ang Tropical Depression Querubin at naging low pressure area (LPA) nitong Miyerkules ng hapon, ayon sa Pagasa.

Huling namataan ang LPA sa layong 215 km silangan hilagang silangan ng Hinatuan Surigao del Sur

Gayunpaman, nagbabala ang mga opisyal ng Pagasa na magpapatuloy ang LPA sa Southern Luzon, Visayas, at ilang bahagi ng Mindanao sa susunod na tatlong araw.

“‘Yung pagkilos ng LPA, pwede nyang ma-enhance ang shear line. Kapag nagkaganoon at bumagal din sya, most likely habang papalapit ang Pasko, halos tuluy-tuloy yung mga pagulan natin,” ayon kay Pagasa Weather Forecasting Section Chief Samuel Duran.

Ayon sa Pagasa, maaaring may mga pag-ulan pa rin sa Christmas week.

“Sa nakikita natin halos apektado sya ng northeast monsoon so light rains dito sa most parts ng Northern at Central Luzon kasama na ang Metro Manila. Pero itong southern part ng Southern Luzon at Visayas makakaranas pa rin ng moderate to occasionally heavy rains kaya ingat pa rin po yung mga kababayan natin sa may Bicol Region at Visayas area,” ayon naman kay Weather Division Chief Juanito Galang.

Inihayag din ng Pagasa na katamtaman lamang o nay medium chance na mag- develop muli ito bilang bagyo sa susunod na 24 oras

Pinapayuhan ng Pagasa ang publiko na patuloy na magbantay sa weather updates.