Chinese

Tsino, isa pang wanted sa batas, arestado

Edd Reyes Feb 19, 2025
23 Views

Chinese1MAGKASUNOD na natimbog ng pulisya ang dalawang wanted sa batas, kabilang ang isang Chinese national, Martes ng gabi sa Valenzuela City.

Unang nasakote ng mga tauhan ni Valenzuela Police Chief P/Col. Nixon Cayaban ang mototaxi rider na si alyas “Jay-Jay”, 34, Top 8 Most Wanted sa lungsod dakong alas-6:40 ng gabi sa Landicho St.. Brgy. Balasing, Sta Maria, Bulacan, sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Valenzuela Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Evangeline Mendoza-Francisco ng Branch 270 para sa kasong Lascivious Conduct kung saan siya nasentensiyahan na at kinakailangang mapagsilbihan na ang hatol.

Alas-11:10 ng gabi nang matunton naman ng nina P/Lt. Jaime Abarrientos, hepe ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Valenzuela police ang Chinese national na si alyas “Junquin”, 43, sa Derupa St. Brgy. Maysan na may kinakaharap na kasong paglabag sa R.A. 8293 o ang Intellectual Property Code of the Philippines.

Naglabas ng warrant of arrest laban sa dayuhan si Valenzeula RTC Judge Lilia Mercedes Encarnacion Aquino-Gepty ng Branch 74 nito lang Pebrero 13, 2025 matapos hindi na dumalo sa paglilitis ang akusado. May inilagak namang piyansa na P30,000 ang hukuman para sa pansamantalang paglaya ng dayuhan.

“We remain steadfast in our commitment to uphold the law and ensure the safety of our community. The successful arrest of these two wanted individuals is a testament to the dedication and hard work of our officers. We will continue to relentlessly pursue those who threaten the peace and security of Valenzuela City,” pahayag ni Col. Cayaban.