Just In

Calendar

April 2025
M T W T F S S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  
Shabu

‘Tulak’ dumayo, huli sa P.3M shabu

Edd Reyes Feb 3, 2025
102 Views

TIMBOG ang umano’y big-time na tulak ng shabu sa Maynila nang dumayo para magbenta ng ilegal na droga noong Linggo sa Navotas City at nakuhanan ng halos P350,000 na halaga ng shabu.

Umabot sa mahigit 50 gramo ng shabu ang nakumpiska sa suspek na si alyas Eris, 28, ng madakip sa buy-bust dakong alas-11:10 ng gabi sa C4 Road, Brgy. Bagumbayan North, Navotas City, ayon sa police report.

Natimbog si alyas Eris sa pamamagitan ng implementasyon ng Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO) sa pakikipag-koordinasyon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Aabot sa P349,904 ang halaga ng nakumpiskang shabu sa suspek, kasama na ang ibinenta niyang shabu sa pulis na nagpanggap na buyer, kapalit ng ibinayad na markadong salapi.

Iprinisinta na ng pulisya si alyas Eris sa Navotas City Prosecutor’s Office para sa inquest proceedings kaugnay sa mga kasong paglabag sa Section 5 (Sale) at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), Article II ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) na isasampa laban sa kanya.