Bonoan

Tulay na naguugnay sa mga lugar na dinaraanan ng Pasig, Marikina rivers dadagdagan

159 Views

PLANO ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na magtayo ng mga tulay na mag-uugnay sa iba’t ibang lugar na dinaraanan ng Pasig at Marikina river.

Ayon kay Public Works Secretary Manuel Bonoan ang pagdaragdag ng mga tulay ay magpapabilis sa pagbiyahe mula sa north at south sector ng Metro Manila.

Lima hanggang anim na tulay umano ang planong itayo ng DPWH sa Pasig River.

Ang nakaraang administrasyon ay nakapagpatayo ng dalawang tulay patawid ng Pasig River—ang Estrella-Pantaleon at Binon-Intramuros bridge,

Target ng Marcos administration na ilaan ang 5 hanggang 6 porsyento ng gross domestic product (GDP) sa pagtatayo ng mga imprastraktura.

Ayon naman kay Budget Secretary Amenah Pangandaman plano ng gobyerno na gumastos ng P2 trilyon sa mga infrastructure project hanggang sa 2028.

Bukod sa mga tulay, sinabi ng kalihim ng DPWH na ipinatutupad na ang pagtatayo ng expressway na daraan sa Pasig, Cainta at Bulacan.

Noong nakaraang taon ay inilarga ng San Miguel Corp. ang 19.37-kilometer Pasig River Expressway project na nagkakahalaga ng P95 bilyon. Ito ay idurugtong sa Skyway system upang mapabilis ang biyahe sa Kamaynilaan.