Tulfo

Tulfo nagbigay ng P1m pabuya sa agarang pagdakip ng suspek sa pagpaslang

122 Views

HINDI TITIGIL si Senador Raffy Tulfo hanggat mahuli ang suspek sa pagpatay sa isang 21 uno anyos na batang lalaki at ang sugatan na 21 anyos niyang kasintahan matapos silang pagsasaksakin ng nasabing tao sa hindi pa malaman na kadahilanan.

Hinamon ni Tulfo ang mga otoridad upang agaran aksyunan ang naturang krimen dahil umano sa posibilidad na ang suspek ay isang nakakatakot na tao .

Kalakip ng paghamon ni Sen. Tulfo ay magbibigay din umano siya ng P1M na pabuya sa sinuman makakabigay impormasyon sa kinaroroonan ng naturang suspek upang mabigyan hustisya ang karumaldumal na krimeng ginawa nito sa magkasintahan.

Ayon sa report sa DZBB, marami aniyang nawala na kagamitan ang magkasintahan at ang posibleng motibo nito ay pagnanakaw sa dalawa.

Napag alaman din na sampung ulit pinagsasaksak ang lalaking biktima na sanhi ng agarang pagkamatay nito. Samantalang ang babae naman na ni rape ay nakatakas at hinabol muli ng suspek at siyam na beses na sinaksak sa leeg sabay dala muli sa tent ng mga ito at iniwan na lamang duon sa pag aakalang patay na pareho ang magkasintahan.

Ang dalawa ay nagtayo ng camping tent sa kanilang animoy picnic date sa Boac, Marinduque ng biglaan na lamang silang pinasok ng suspek alas 2:00 ng madaling araw nuong Biyernes sa Barangay Ihatub, Marinduque.

“Mariin kong kinokondena ang karumal-dumal na pagpatay sa isang 21-anyos na lalaki at walang habas na pag-gahasa naman sa kanyang menor de edad na nobya ng isang hindi pa nakikilalang suspek. Walang konsensya ang gumawa ng ganitong karumal-dumal at kalunos-lunos na krimen,” ani ni Tulfo sa DZBB.

“Kaya ako po ay magbibigay ng P1 milyong pabuya, totoo po ito, sa ikadarakip ng suspek, basta’t sigurado ako na talagang ang may sala ang madarakip at mapananagot. Anumang impormasyon na makakatulong upang madakip ang may sala ay ipagbigay alam lamang po sa aking tanggapan at opisina,” dagdag pa ng Senador.