Calendar
Tulong ng bawat isa muling hiningi ni PBBM
MULING hiningi ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang tulong ng bawat isa upang mapaganda ang kalagayan ng bansa.
Ang apela ni Marcos ay kanyang ginawa kasabay ng kanyang pagbati kay House Majority Leader at Leyte 1st District Rep. Martin G. Romualdez na nanumpa sa tungkulin sa Tacloban City.
“I would just like to add my congratulations to the officers and officials taking their oath today, namely of course the honorable Ferdinand Martin Gomez Romualdez who is taking his oath as congressman, the first district, and is the incoming Speaker of the House of Representatives,” sabi ni Marcos sa isang video.
Binati rin ni Marcos sina Tacloban City Mayor Alfred Romualdez at Tingog Party-list Reps. Yedda Marie Romualdez at Jude Acidre na nanumpa na rin sa kanilang tungkulin.
Sinabi ni Marcos na inaasahan nito na kanya silang makakatrabaho para sa pagpapabuti ng kalagayan ng bansa.
“I look forward to working with you all very, very closely. As I say to all our number, is that the problems we are facing now and post-pandemic are going to be serious challenges and that is why I ask all of you for your help in making the country better and making the lives of our people better,” dagdag pa ni Marcos.
Nananawagan si Marcos na isantabi ang politika ngayong tapos na ang halalan at magtulong-tulong alang-alang sa kapakanan ng bansa at sambayanang Pilipino.