Just In

Calendar

April 2025
M T W T F S S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  
Pacman

Tuloy tuloy na serbisyo ng 1-PACMAN Party List para sa mga kababaihan

Mar Rodriguez Mar 14, 2025
76 Views

Pacman1TULOY-TULOY ang paglilingkod ng 1-PACMAN Party List Group hindi lamang sa pagsusulong ng mga programa para matulungan ang libo-libong Pilipinong atleta. Bagkos, maging mga mahihirap na hanay ng mga kababaihan na mayroong iniindang karamdaman.

Tinungo ng 1-PACMAN Party List Group ang Sta. Maria, Laguna sa pangunguna ng first-nominee nito na si Milka Romero upang tulungan ang mga kababaihan sa pagpapagamot habang kasama din dito ang healthcare para sa kanila.

Sabi ni Romero na ang 1-PACMAN Party List ay hindi lamang para tulungan ang mga mahihirap na mamamayan. Kundi pati na rin ang pagtulong sa mga kababaihan na may karamdaman at pagpapanatili sila ay nasa malusog na kalagayan.

Tiniyak ni Romero na patuloy nitong isusulong ang mga programa at proyekto itinataguyod ng 1-PACMAN Party List para pagsilbihan ang kapakanan ng mamamayang Pilipino partikular na ang mga mahihirap.