Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez

Tulungan ng PH-Malaysia sa pagpapalakas Halal industry lilikha ng trabaho, oportunidad sa pagnenegosyo—Speaker Romualdez

228 Views

PINURI ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang pagtutulungan ng Pilipinas at Malaysia upang mapa-unlad ang Halal industry na lilikha ng mapapasukang trabaho at magbibigay ng oportunidad sa pagnenegosyo sa dalawang bansa.

Noong Martes, inanunsyo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa isang joint press conference kasama si Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim ang pagpupulong ng Philippines-Malaysia Joint Commission upang talakayin ang pagpapalakas ng mga bagay kung saan mayroong kapwa interes ang dalawang bansa at kasama rito ang Halal industry.

“The agreement between the Philippines and Malaysia to cooperate in this vital sector undoubtedly signifies a significant step towards the creation of more jobs, as well as livelihood and business prospects of our people,” ani Speaker Romualdez.

Batay sa isinagawang pananaliksik, sinabi ni Speaker Romualdez na ang global halal food market size ay umabot sa US$ 2,221.3 bilyon noong 2022 at inaasahan na lolobo sa US$ 4,177.3 bilyon sa 2028

“The Halal industry holds immense potential. By working together, we can capitalize on the Halal market’s vast opportunities, creating new avenues for trade, investment, and employment,” sabi ni Speaker Romualdez.

Nag-alok ang Malaysia an tulungan ang Pilipinas na palakasin ang Halal industry sa bansa sa pamamagitan ng pagbibigay ng kasanayan sa mga Pilipino partikular sa mga nasa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM). Ang Malaysia ay isa sa nangunguna sa larangan ng Halal industry.

Sinabi ni Speaker Romualdez na ang pagtutulungan ng dalawang bansa sa pagpapalakas ng Halal industry ay makatutulong sa pagpapatatag ng agri-food sector ng bansa.

“With President Marcos’ priority on digitalization of government process and improved Internet connectivity, we can tap e-commerce channels and social media to market our goods globally and profit from the growing demand worldwide for Halal products,” dagdag pa ni Romualdez.

Muli ring nangako si Speaker Romualdez na tutulong ang Mababang Kapulungan ng Kongreso sa pamamagitan ng pagpasa ng mga kinakailangang batas para mapalakas ang ugnayan ng Pilipinas at Malaysia.

“The House of Representatives stands ready to support any legislative measures necessary to facilitate the successful implementation of this bilateral cooperation in the Halal industry. We will work in tandem with the executive branch to create an enabling environment that fosters innovation, investment, and responsible business practices,” sabi pa ng lider ng 312 kongresista.

Kasama umano sa mga panukalang batas na isinusulong ng Kamara ang House Bill No. 07118 na mag-aamyenda sa Republic Act No. 9997 o ang National Commission on Muslim Filipinos Act of 2009, upang mapatatag ang mga lokal na produktong Halal.

Kumpiyansa si Speaker Romualdez na ang tatlong araw na state visit ni Pangulong Marcos sa Malaysia ay pakikinabangan ng dalawang bansa.

Sinabi ni Pangulong Marcos na ang paparating na Joint Commission meeting ay magbibigay daan upang mapalakas hindi lamang ang Halal industry kundi maging sa sektor ng agrikultura, Islamic banking, edukasyon, turismo, kultura, sports, digital economy, at paglaban sa transnational crimes.

“This significant partnership is a testament to the vision and leadership of both President Marcos and Prime Minister Anwar. Let us move forward with determination and optimism, united in our pursuit of a prosperous future for both the people of the Philippines and Malaysia,” dagdag pa ni Speaker Romualdez.