Trike

Tumangay ng trike kalaboso sa Taguig, kasabwat nakatakas

Edd Reyes May 21, 2025
12 Views

TIMBOG ang isa sa dalawang kawatan na tumangay sa nakaparadang tricyle Miyerkules ng madaling araw sa Taguig City.

Ang pagkakadakip sa 23-anyos na si alyas “Alfie” at pagkakabawi sa ninakaw nilang tricycle ay bunga ng isinagawang pagtugis ng mga tauhan ni Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Joseph Arguelles na nagsasagawa ng police visibility patrol sa Barangay San Miguel.

Batay sa ulat ng pulisya, ipinarada ni alyas “Francis”, 19, ang ipinapasadang tricycle malapit sa Serenety Park Cemetery dakong ala-1:30 ng madaling araw nang tangayin ng suspek, kasama ang kasabuwat na si alyas “Roel”, 24.

Nasaksihan ng nakatatandang kapatid ni Francis na si alyas “Simon” 22, ang pagtangay ng mga suspek sa tricyele, gamit ang master key, kayat tinangka niyang habulin ang mga ito hanggang makahingi ng tulong sa mga tauhan ng District Mobile Force Battalion (DMFB) ng SPD na nagresulta sa pagkakadakip kay alyas Alfie,

Nakatakas naman ang isa pang kasabuwat na suspek na si alyas Roel na tinutugis na rin ng mga pulis.