Bautista

Tunnel boring machine para sa gagawing subway pinaandar na

172 Views

PINAANDAR na ngayong araw, Enero 9, ang Tunnel Boring Machine (TBM) ng Metro Manila Subway Project (MMSP).

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at Department of Transportation Secretary Jaime Bautista ang pagpapaandar ng unang Tunnel Boring Machine (TBM) na gagamitin sa paghuhukay ng subway tunnel. Ang paghuhukay ay sisimula sa Valenzuela City.

Saklaw ng Contract Package (CP) 101 ng proyekto ang konstruksyon ng tatlong underground stations sa Quezon City at additional semi-underground station sa northern-most part ng Valenzuela City depot.

Kapag natapos ang biyahe mula Valenzuela hanggang NAIA ay tatagal lamang ng 35 minuto. Nasa 519,000 pasahero kada araw ang kaya nitong maserbisyuhan subway kada araw.

Nagpasalamat si Bautista sa Japanese government at JICA International Agency Cooperation (JICA) na naging katuwang ng gobyerno sa naturang proyekto.