Just In

Calendar

April 2025
M T W T F S S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  
Bautista

Tunneling work mula Valenzuela hanggang Quirino subway stations matatapos ngayong taon

162 Views

MATATAPOS ngayong taon ang tunneling work mula Valenzuela station hanggang Quirino station ng subway project.

Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime J. Bautista na binibilisan ng ahensya ang paggawa sa mga proyekto nito upang makatutulong sa pag-angat ng ekonomiya.

“We are expecting the tunnel from Valenzuela to Quirino Avenue will be completed by the end of the year,” ani Secretary Bautista.

Ayon kay Bautista inaasahan ng ahensya ang pagdating ng iba pang tunnel boring machine na gagamitin sa 33-km Metro Manila Subway Project.

Sa kasalukuyan ay dalang tunnel boring machine umano ang naghuhukay na.

Ang subway ay tatakbo mula Valenzuela City hanggang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Ang proyekto ay inaasahang pakikinabangan ng 519,000 pasahero kada araw kapag natapos.