Marianito Augustin

TV show ni Magsino na “OFW, IKAW ANG BIDA” umarangkada na

213 Views

CONGRATULATIONS kay OFW Party List Congresswoman Marissa “Del Mar” P. Magsino dahil sa kaniyang bagong television show sa Sonshine Media Network International (SMNI) na pinamagatang OFW, IKAW ANG BIDA!”.

Nagsimula na nga noong August 26, 2023 ang TV program ni Magsino na naglalayong mapa-igting ang awareness o kamalayan ng mga OFWs. Kabilang na dito pagsasaliksik ng mga solusyon sa mga problemang kinakaharap nila sa ibayong dagat kung saan sila nagta-trabaho.

Sinabi ni Magsino na matutunghayan sa kaniyang TV program ang sari-saring kuwento at karanasan ng mga OFWs na nagta-trabaho sa iba’t-ibang panig ng bansa na kapupulutan ng aral ng iba pang OFWs. Kasama dito ang pagtalakay sa problema ng illegal recruitment at iba pang issue.

Binigyang diin pa ng kongresista na nagsisilbi rin bilang “eye opener” ang kaniyang programa para sa national government upang makita nito ang samu’t-saring problemang kinakaharap ng mga OFWs sa ibayong dagat at ang paghahanap ng solusyon para maibsan ang nsabing problema.

Nabatid kay Magsino na mayroon din segment sa kaniyang program ana nagpapakita din ng isinasagawa nilang training at job opportunities na nakalaan at dinisenyo para sa mga OFWs. Alinsunod naman sa kaniyang paniniwala na kailangan ng “full employment” sa Pilipinas para maiwasan ang pangingibang bansa ng mga Pilipino.

Kahanga-hanga ang OWWA Region 3 dahil sa kanilang serbisyong may malasakit

KAHANGA-HANGA ang ibinibigay na serbisyo ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Region 3 sapagkat personal inalalayan mismo ni OWWA Region 3 Regional Director Atty. Falconi “Ace” V. Millar ang isang “distressed” Overseas Filipino Worker (OFW) mula sa Singapore sa pamamagitan ng medical assistance kasama ang employer nito sa loob ng 31 taon.

Sinabi ni Atty. Millar na siniguro mismo ng employer ng OFW na nakilalang si Jocelyn na kapiling na nito ang kaniyang pamilya at maayos na nakabalik sa kanilang lalawigan sa Ilocos na kasalukuyang dumaranas umano ng stage 4 cancer.

Dahil dito, labis naman nagpasalamat si Millar sa employer ni Jocelyn dahil sa maayas na pagtrato nito sa nasabing OFW sa kabila ng mabigat na problemang kinakaharap nito sa kaniyang kalusugan.

Ayon kay Millar, hindi natatapos sa kaso ni Jocelyn ang paglilingod na ginagawa ng OWWA Region 3 para sa mga OFWs at Migrant workers. Sa katunayan umano ay tuloy-tuloy ang kanilang serbisyo sa pamamagitan ng mga nakahilerang programa at proyekto para sa mga OFWs.

Makikita natin dito na talagang napakasipag ni Atty. Millar dahil siya mismo ang umaasikaso sa kalagayan ng mga OFWs na gay ani Jocelyn. Personal niyang tinututukan ang kanilang kalagayan.

Nasaksihan ko mismo ang mahusay na pamumuno ni Atty. Millar sa OWWA Region 3.

House Deputy Speaker Duke Frasco todo serbisyo sa kaniyang mga kababayan

TODO-TODO ang ibinibigay na serbisyo ni House Deputy Speaker at Cebu 5th Dist. Congressman Vincent Franco “Duke” D. Frasco para sa kaniyang mga kababayan dahil hindi lamang infrastructure projects ang kaniyang tinututukan bagkos maging ang usaping pang-medikal.

Ito ay matapos ang ginawa nitong pagpapasinaya sa ipatatayong Dialysis Center sa bayan ng Sogod, Cebu.

Ayon kay Frasco, nakatakdang magkaroon ng isang “state-of-the art” Dialysis Center sa Munisipalidad ng Sogod, Cebu na inaasahang napakalaki ang maitutulong para sa mga indigent patients ng nasabing bayan.

Ipinaliwanag ni Frasco na sakaling tuluyan ng naipatayo ang Mendero Sogod Dialysis Center sa pangunguna ng Chief Executive Officer (CEO) ng Mendero Medical Group na si Dr. Sam Mendero.

Maraming mahihirap na pasyente ang matutulungan nito dahil sa mga modernong kagamitan ipatatayong Ospital.

Ayon kay Frasco, mag-a-allocate umano siya ng P5 million bilang medical assistance fund para sa Mendero Medical Group na maaaring mapakinabangan ng mga mahihirap na residente ng District 5 ng Cebu sa pamamagitan ng ayudang pang-medikal na mangangailangan ng Dialysis treatment.