Cong. Eleandro Caption: Pinangunahan ni Cong. Eleandro Jesus F. Madrona ang pulong ng TWG Transpo Committee kaugnay sa upgrading ng Coast Guard Law

TWG ng House Committee on Transportation sinimulang talakayin modernisasyon ng PCG

Mar Rodriguez Mar 8, 2023
203 Views

Cong. EleandroSINIMULANG talakayin ngayon ng House Committee on Transportation – Technical Working Group (TWG) ang mga panukalang batas na inihain ng mga kongresista sa Kamara de Representantes na naglalayong magkaroon ng upgrading sa sistema ng Philippine Coast Guard (PCG).

Pinangunahan ni Romblon Lone Dist. Congressman Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona, Chairman ng Transportation Committee –TWG, ang diskusyon kaugnay sa limang panukalang batas na inihain ng mga mambabatas upang maumpisahan ang modernisasyon ng PCG.

Sinabi ni Madrona na nakapaloob sa mga nasabing panuakalang batas ang pagsusulong ng “re-organization” sa Cost Guard Law sa ilalim ng Republic Act. No. 9993 sapagkat marami umanong dapat linawin at ayusin sa Coast Guard Law para lalo png paigtingin ang hanay ng PCG.

Aminado si Madrona na labindalawang taon ng nananatiling luma ang ilang probisyon sa Coast Guard Law. Kaya napapanahon na upang magkaroon ng pag-aamiyenda sa nasabing batas. Subalit hindi naman kasama dito ang modernisasyon ng PCG na maaaring talakayin sa ibang pagkakataon.

Ayon kay Madrona, ang mga panukalang batas na tinalakay nila sa TWG ay dati ng isinulong noong nakaraang 18th Congress subalit inabutan na lamang ng pagkakatapos ng session nito. Kaya muli na naman itong inihain ngayong 19th Congress para tuluyan na maisakatuparan ang upgrading sa PCG.

“May limang panukalang batas na naglalayong magkaroon ng re-organization sa Coast Guard Law under RA 9993. Kasi maraming loopholes at maraming dapat i-clarify at para mas lalo pang mapaigting ang performance ng PCG. So halos mayroon na rin twelve years ang Coast Guard Law na kailangan na kailangan natin i-revisit,” paliwanag ni Madrona.