Vergeiri

Tyansang makapasok Marburg virus sa bansa maliit

192 Views

MALIIT umano ang posibilidad na makapasok sa bansa ang Marburg virus, ayon sa Department of Health (DOH).

Pero sinabi ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na mayroong ginagawang paghahanda ang ahensya sakaling mayroong magdala nito sa Pilipinas.

Ayon sa World Health Organization (WHO) ang Marburg virus ay kapamilya umano ng Ebola virus disease.

Mayroong dalawang kaso ng Marbyrg virus sa Ghana kamakailan.

Sa datos ng WHO, nagkaroon na ng outbreak ng sakit na ito noon sa Angola, Democratic Republic of the Congo, Kenya, South Africa, at Uganda.