Calendar
Ugnayan ng PH, China palalakasin
TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na palalakasin ng Pilipinas ang ugnayan nito sa China.
Ginawa ng Pangulo ang pahayag kasabay ng kanyang pasasalamat sa China sa donasyon nitong 20,000 metriko tonelada ng urea fertilizer.
“I assure the Chinese government that the Philippines will always work for the strengthening of our ties and the advancement of our mutual interests, and they are many,” ani Pangulong Marcos.
Pinangunahan ni Chinese Ambassador to the Philippines H.E. Huang Xilian ang turnover ng 20,000 MT o 400,000 bag ng urea fertilizer na ginanap sa isang warehouse ng National Food Authority sa Valenzuela City.
“As we walk to the next half-century of our diplomatic ties, let this day be a celebration of many things for us: the diligence and hard work of our farmers; our realizable goal of food self-sufficiency; and, the lasting, beneficial impact of the longstanding friendly ties between our two nations,” sabi ng Pangulo.
Nagpasalamat din ang Pangulo sa pagbibigay nito ng P4 milyong halaga ng bigas sa mga evacuees sa pag-aaburuto ng bulkang Mayon.
“In keeping with this generosity that we, today, are the beneficiaries from the People’s Republic of China…Secretary Rex has just informed yesterday that China has also provided Php4 million worth of rice for relief goods for those evacuees in the Mayon Volcano area,” sabi pa ng Pangulo.
“So these generous acts symbolize the value of the relationship between our two countries. We must continue to nurture. We must continue to care for that, through acts of mutual assistance and of constant and amicable dialogue,” dagdag pa nito.
Ang donasyong fertilizer ay ibibigay sa 160,000 rice at corn farmer sa Region 1, 2, 3, 4A, at Bicol.