Calendar
Ugnayan ng PH, US, Japan palalakasin pa
SUMENTRO sa maritime, economic ay technology cooperation ang trilateral phone call meeting nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.. US President Joe Biden at Japanese Prime Minister Ishiba Shigeru.
Pangako ng tatlong lider, palalakasin pa ang trilateral ties ng Pilipinas, Amerika at Japan.
“I am confident that our three countries will continue to work together closely to sustain the gains that we have made in enhancing and deepening our ties,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Una nang nagkaroon ng trilateral summit sina Pangulong Marcos, Biden at dating Japanese Prime Minister Fumio Kishida sa Washington, DC, noong Abril 11, 2024 kung saan muling tiniyak ang mapayapa, secure at prosperous na Indo-Pacific na naka-angkla sa demokrasya, rule of law, at human rights.
Ayon kay Pangulong Marcos, ang adoption ng Trilateral Joint Vision Statement noong Abril ay isang malaking progress sa pagpapatupad ng bilateral at trilateral cooperation ng tatlong bansa.
Sinang-ayunan naman ni Biden ang pahayag ni Pangulong Marcos at sinabing nagkaroon ng historic progress ang Trilateral Summit lalo na sa usapin sa maritime security, economic security, at technology cooperation.
“Since then, we’ve made historic progress in our trilateral partnership, especially in areas of maritime security, economic security, technology cooperation, and high-quality infrastructure investments … We should continue to deepen our cooperation in these areas, I believe,” pahayag ni Biden
Pinuri ni Biden si Pangulong Marcos sa diplomasyang pamamaraan sa pagtugon sa pagiging agresibo ng China sa South China Sea.
“Simply put, our countries have an interest in continuing this partnership and institutionalizing our cooperation across our governments so that it is built to last. I’m optimistic that my successor will also see the value of continuing this partnership, and that it is framed the right way,” pahayag ni Biden.
Binigyang diin naman ni Ishiba ang kahalagahan ng pagpapalalim ng trilateral cooperation ng tatlong bansa.
“Going forward, it is important to deepen trilateral cooperation in a variety of fields,” pahayag ni Ishiba.