Bagyo Source: PCG file photo

Umakyat na sa 12 mga namatay sa 3 nagdaang bagyo

Zaida Delos Reyes Nov 21, 2024
40 Views

UMAKYAT na sa 12 indibidwal ang nasawi sa pananalasa ng bagyong Nika , Ofel at Pepito sa iba’t ibang panig ng bansa.

Batay sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council kaninang umaga, lima sa mga nasawi ang na-validate na habang ang pito ay patuloy pang isinasailalim sa verification.

Apat din ang naiulat na nawawala at 16 ang nasugatan.

Umabot na rin sa 3.5 milyong indibidwal mula sa 34 probinsya ang naapektuhan kung saan 429,852 sa mga ito ang inilikas.

Sa ulat ng NDRRMC, nasa 2.03 billion ang halaga ng iniwang pinsala sa imprastraktura ng tatlong bagyo habang nasa P29.6 million naman ang pinsala sa agrikultura.

Samantala sa ulat naman ng Department of Agriculture o DA, umabot na sa P10 billion ang iniwang pinsala sa agrikultura ng mga bagyong Kristine, Nika at Ofel.

Nasa 29 lungsod at munisipalidad din ang isinailalim sa state of calamity.