Calendar
Metro
Umawat sa away binaril, sumakabilang buhay
Melnie Ragasa Jimena
Oct 2, 2026
110
Views
PATAY ang lalaking pinagbabaril ng inawat niyang suspek sa pakikipagtalo sa isa pang lalaki sa Brgy. Bahay Toro, Quezon City noong Linggo.
Sa imbestigasyon ng Quezon City Police District (QCPD), dakong alas-6:30 ng gabi ng mamagitan ang biktima sa mainitang pagtatalo ng dalawang lalaki sa harap ng isang bahay sa Seminary Road.
Sa halip na maawat ang hidwaan, pinagbalingan umano ng suspek ang biktima at ilang ulit na binaril bago tumakas dala ang hindi pa matukoy na armas.
Dead-on-the spot ang biktima matapos magtamo ng maraming tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.
Narekober sa lugar ang walong basyo ng bala ng kalibre .45, tatlong deformed fired bullets, isang metallic jacket fragment at isang sirang kutsilyo.
Bomb threat nakita sa CR ng mga babae sa UST
Oct 24, 2026
Obrero arestado sa pagnanakaw sa Tondo
Oct 23, 2026
NCRPO: DROGA ITINATAGO SA MGA PAMASKONG PADALA
Oct 23, 2026
No. 7 MWP ng QCPD nasakote
Oct 23, 2026

