Doc-Ted-Herbosa

Uminiit na ang labanan sa halalan para sa Pangulo

Dr. Ted Herbosa Mar 18, 2022
284 Views

KAMAKAILAN lang ay nag-umpisa na ang malawakang kampanya ng mga kandidato sa susunod na Pangulo ng Pilipinas. Nagbabatuhan na sila ng kung anu-anong akusasyon. Ang mga kandidato at mga campaign managers nila ay tuluyan ng nagbabangayan. Padamihan sila ng mga “hakot” at mga “bayaran” para dumami ang mga tao at gumanda ang mga drone shot ng rally

Dahil dito, may nag post sa social media ng screenshot ng tungkol sa paniningil ng isang organizer ng bayad sa mag nag attend ng political rally. Ang sabi ng kaalyado ng candidate sa organizer, “Huwag ka ng mag-recruit ng senior citizen. Hinihimatay lang sila sa rally.”

Ng mabasa ko ito, na isip ko na hindi talaga dapat payagan ang mga seniors or yung mga may sakit na mag-attend ng political rallies na ginaganap sa mga maiinit na lugar. Mahalaga din na may sapat na inumin at pagkain ang mga dada dito. Ang mag ganitong hinimatay ay malamang sanhi sa iba’t bang klaseng heat illness o mga sakit dulot sa maiinit na panahon o klima.

Ano ba ang nangyayari sa isang taong nabibilad sa init ng araw ng mahabang oras? Ang unang mangyayari ay dehydration. Ito ay isang sakit na sanhi ng kakulangan ng tubig ng katawan. Habang ikaw ay nabibilad sa init ng araw, makakaramdam ka ng uhaw at pagtuyot ng labi at lalamunan. Ang mga sintomas na ito ay senyales na ikaw ay dehydrated o kulang sa tubig, Mahalaga na magbaon ng tubig inumin at laging uminom habang nakabilad sa mainit na araw. Dapat ding magsuot ng sombrero o kaya ay magpayong kung pwede laban sa init ng araw para hindi magka-dehydration.

Kung ang dehydration ay hindi masolusyonan sa pamamagitan ng pag inom, lalala ang kondisyon at magiging heat fatigue or heat exhaustion. Ang tao ay makakaramdam ng pagkapagod at panghihina. Ito po ay masamang sintomas ng heat illness o sakit sanhi ng maiinit na panahon. Pag ang isang tao ay nakakaramdam na ng pang-hihina, dapat siyang umalis na sa maiinit na lugar at pumunta sa isang malilim o malamig na lugar upan makapag-cool down. Pag ikaw ay tuloy-tuloy na namalagi sa ilalim ng mainit na araw, ang susunod ay pwede ka ng mahimatay o mawalan ng malay. Ang tawag dito ay heat stroke. Ang heat stroke ay isang emergency at mas delikado ito sa mga may edad. Delikado din ito sa mga may high blood pressure o hypertension. Dapat dahlin agad sa Emergency Room o ospital ang isang na heat stroke. Mabilis dapat kumilos ang nakasaksi nito. Agaw buhay ang biktima ng heat stroke at hindi ito biro. Pag hinimatay na ang isang senior sa maiinit na lugar gaya ng matagal na pamamalagi sa political rally, ito ay hindi na kanais nais.

Kaya mag-ingat po ang mga senior sa pag-attend sa mga rally at caravan sa init ng araw. Magbaon ng tubig at sombrero. At kung makaramdam ng paghina ng katawan agad an sumilong at magpalamig para hindi ma heat stroke! Yan ang sabi ni Doc Ted.