Yelo Source: FB post

Umulan ng yelo sa QC!

122 Views

NASAKSIHAN ng mga residente ang pagbagsak ng mga yelo kasabay ng malakas na pag-ulan sa Baler St., Brgy. Paltok, Quezon City nitong Lunes ng hapon.

Sa kasagsagan naman ng malakas na ulan na sinabayan ng malakas na hangin, bumagsak ang solar street light na proyekto ng Metro Manila Development Authority (MMDA), sa kanto ng EDSA at Quezon Avenue (north bound), Brgy. West Triangle bandang 3:15 ng hapon.

Batay sa report ni P/SSg Jayson Gutierrez ng Quezon City Police District (QCPD) Traffic Sector 1, bahagyang nawasak ang isang Fortuner at L300 passenger van (NBN 2830) na minamaneho ni Ariel Villasan Managaytay, 29, residente ng No. 88 Camia St., Diliman Old Capitol Site sa lungsod.

Nagtamo ng sugat sa noo si Managaytay at agad na dinala sa East Avenue Medical Center para ipagamot.